soco5
By

Binatilyong barker, pinatay sa Caloocan

Sharing is caring!

Binaril habang nagtatawag ng pasahero ang isang 15-anyos na barker sa terminal ng bus sa Caloocan City kagabi.

Ayon sa ulat ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng gabi nangyari ang krimen sa Rizal Avenue Extension, sa tapat ng Fairmart sa Barangay 71 ng nasabing lungsod.

Abala sa pagtatawag ng mga pasahero si Justine Mercado, alyas Macky, nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at binaril ang biktima.

Mabilis tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril habang naisugod sa ospital ang biktima ngunit namatay din.

Isinantabi na ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay at posible umanong paghihiganti ang motibo dahil sa love triangle na hindi pa idinidetalye ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?