73

Sep 7, 2021 @ 23:31
By

Binatilyo wagi ng tricycle sa sabwatan nina Alex, Tugade

Nanalo ng tricycle ang isang 12-anyos na valedictorian student mula sa Nagcarlan, Laguna dahil kina Alex Gonzaga at Transportation Secretary Art Tugade.

Noong July, sinamahan ni Tugade si Alex na sumakay sa MRT-3 na ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel.

Sa pagtatapos ng vlog ni Alex, nagkasundo sila na magkaroon ng pakontes kung saan kailangang banggitin ng sasali kung ano ang pinaka-nagustuhan niyang pagbabago sa public transport.

Sumali sa pakontes si Vincent Sotalbo, nagtapos ng Grade 6 sa Rizal Standard Academy at isang consistent scholar.

Sa kanyang email, sinabi ni Vincent na natutuwa siya na mas malinis na ang mga pampublikong sasakyan ngayon kumpara dati.

Maganda rin daw na air-conditioned na ang mga ito at nakakapagpatupad ng safety protocols.

Malungkot naman niyang ikinuwento na laging nasisira ang sasakyang ginagamit pamasada ng kanyang tatay kaya hindi rin nila ito mapakinabangan at gustuhin man daw nilang bumili ng bago ay hindi nila magawa dahil ang kanilang pera ay nakalaan para sa tuition ng kanyang kuya na papasok na sa kolehiyo.

Samantala, sinabi ni Tugade na natutuwa siyang maging instrumento ng pagtulong sa isang pamilya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tricycle na magagamit panghanapbuhay.

Panoorin ang buong vlog sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?