201

Oct 14, 2020 @ 12:51
By

Binatilyo tinulak ng kalaro, nalunod

Nahanap na ang katawan ng isang edad 14 na lalaki na matapos itulak umano ng kanyang kalaro ay nalunod sa creek sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng “Unang Balita,” huling nakita ng isang barangay kagawad na habang malakas ang agos ng tubig sa creek ay lumalangoy ang biktima.

Umahon na raw ang binatilyo pero umano’y tinulak pa siya ng edad 16 na kalaro pabalik sa tubig. Tinanggi ito ng kalaro.

Napaulat na nag-sorry na ang kalaro pero balak pa rin siyang kasuhan ng pamilya ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?