27

Aug 5, 2021 @ 19:49
By

Binatilyo pinatay nanay saka nag-suicide

Nagbaril sa ulo ang isang 16-anyos na lalaki matapos niyang aksidenteng mapatay ang kanyang ina.

Ayon sa Del City Police, sa ulat ng OKC Fox, nangyari ang insidente gabi ng July 31.

Nang dumating sa crime scene ang mga pulis ay nakitang nakabulagta na sa kalsada ang salarin kasama ang kanyang baril.

Nang pumasok sa kanilang bahay ang mga pulis ay bumulaga sa kusina ang ina ng suspek na si Stephanie Jennings, 36, na may tama ng bala sa ulo.

Sabi ng isang witness, may hawak ng baril ang binatilyo at nasa living room nang bigla itong pumutok.

Tumagos ang bala sa isang pader at tinamaan sa ulo si Jennings.

Dagdag pa ng witness, nagtatakbo palabas ang binatilyo at saka nagbaril sa sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,