By

Binatilyo, patay sa espada ng kalaro

Sharing is caring!

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang binatilyo makaraang diumano’y aksidenteng mataga ng pinaglalaruang espada ng kanyang kalaro sa Barangay Cabaruan ng bayang ito kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad dito, ipinahiram ng biktima na si Al James Estacio, 15, at estudyante ng Cabaruan Integrated School, ang kanyang espada sa kalaro nitong 15-anyos din at iwinasiwas umano ito ngunit nahagip ang leeg ng biktima.

Kaagad naman umanong itinakbo sa pagamutan ang biktima matapos tumawag ng tulong ang kanyang kalaro subalit dahil sa dami ng dugo na nawala sa biktima ay hindi na ito umabot pa ng pagamutan.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang kalaro ng biktima habang hinihintay ang tugon ng Department of Social Welfare and Development hinggil sa naturang insidente. (Richard Buenaventura)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?