40

Oct 9, 2017 @ 14:31

Binatilyo naipit sa gang war, kritikal

Isang 16 anyos na binatilyong mangangalakal ang nasa kritikal na kondisyon ngayon matapos na madamay sa away ng dalawang grupo ng mga kabataan sa Lungsod ng Malabon noong Linggo ng gabi.

Naganap ang insidente alas 8:30 pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng P. Aquino at Sanciangco Streets, Barangay Tonsuya ng nasabi ring lungsod.

Kasalukuyan umano noong nangangalakal ang biktimang si Arsenio Garcia, 16 anyos at residente ng Pinagsabugan Street, Barangay Longos ng nasabi pa ring lungsod nang bigla na lamang na sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang gang.

At sa kalagitnaan ng nagaganap na gang war ay bigla na lamang umanong nilapitan ng isa sa mga ito si Garcia at sinaksak sa kanyang likuran.

Bagamat sugatan ay nagawa pa ring makatakbo ni Garcia pauwi sa kanilang bahay at humingi ng saklolo sa kanyang pamilya na agad rin naman siyang naisugod sa Ospital ng Maynila na kalaunan ay inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Mabilis din namang nakaresponde ang mga tauhan ng Malabon City Police Community Precint (PCP) III na agad ding nagsagawa ng follow-up operation at naaresto ang tatlo sa mga suspek na nakilalang sina Arjay Marinas, 21 anyos, Mario Arquiza Jr., 23 anyos ar Rommel Cleso, 23 anyos na pawang mga residente ng Kasarinlan Street, Barangay Muzon. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?