33

By

Binatilyo nag-suicide matapos pagalitan

Sharing is caring!

Patay ang isang 15-anyos na lalaki matapos na kitilin nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng isang bakanteng bahay na ginagawa pa lang sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Valenzuela City Police-Women and Children’s Protection Desk, alas-7:40 ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na biktimang si Eleazar Idanan, Grade 5 student, sa tinatapos pang bahay sa Cabuyao St., Barangay Balangkas ng nasabing lungsod, ng mismong may-ari na si Benny Boson.

Nakabigti ang biktima gamit ang isang water hose na nakatali ang magkabilang dulo sa bakal ng ginagawang bahay.

Agad namang humingi ng tulong ang may-ari sa kanilang mga kapitbahay at kinalas sa pagkakabigti ang biktima at isinugod sa Valenzuela City Emergency Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nabatid mula sa ilang mga kapitbahay ng biktima na lagi umanong pinagagalitan ng kanyang ina at nakatatandang kapatid na babae si Eleazar at napagsabihan pa minsan ng magpakamatay na lamang.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya.

Inaalam na rin kung walang foul play sa insidente at kung bakit nagtungo pa ang biktima sa construction site para doon magpakamatay.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?