21

Oct 24, 2020 @ 11:09
By

Binatilyo na inutas ng tandem, COVID positive

Hindi na naabutan ng kanyang tatay na nasa malayong lugar, ang isang 14-anyos na lalaki matapos itong barilin ng riding-in-tandem noong Martes.

Diniretso na kasi sa cremation ang bangkay ni DJ Cabilin matapos na magpositibo ito sa COVID-19.

Batay sa report ng ’24 Oras’ napag-alaman na tinamaan ito ng nasabing virus base sa ina ng biktima.

Ang binatilyo ay binaril ng riding-in-tandem sa isang covered court sa Tondo, Maynila habang nakikipagkwentuhan sa kanyang kaibigan.

Bago ito mangyari ay nireklamo si DJ dahil sa pananaksak, kaya’t tinitingnan ng Manila Police District na posibleng paghihiganti ang nangyaring pagpaslang sa binatilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?