527

May 1, 2019 @ 13:15
By

Binatilyo minura ang pulis, kulong

Dahil kulang sa alaga, sa Bahay Aruga ang bagsak ng isang 17-anyos na binatilyo matapos lagakan ng warrant of arrest sa kasong pagbebenta ng shabu at pagmumura sa pulis sa pamamagitan ng pag-post sa social media sa Pioneer Avenue, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Christian Vasquez y Dioquino, 17-anyos na kasalukuyang nasa pangangalaga ngayon ng Bahay Aruga DSWD sa Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Inaresto si Vasquez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Carmencita Lacandazo Logan, assisting judge ng RTC Branch 159, Pasig City bandang alas-5:15 Martes ng hapon sa Boni- Pioneer, Mandaluyong City.

Nabatid na una nang naaresto ang binatilyo sa kasong paglabag sa RA 9165 at pansamantalang pinalaya subalit nag-post naman sa social media na umano’y minumura ang mga pulis na humuli sa kanya.

“Fuck the Police” na nag-viral sa Facebook na agad naman napansin ng pulisya at doon na gumawa ng agarang aksyon ang mga tauhan ng EPD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?