17

By

Binatilyo, kritikal sa pagtatanggol sa kapatid na na-bully

Sharing is caring!

Agaw-buhay ang isang 15-anyos na lalaki nang saksakin ng mas bata sa kanyang binatilyo matapos nitong ipagtanggol ang kanyang kapatid sa Malabon City kahapon.

Sa ulat ni SPO1 Mylene Pabon, ng Malabon City Police-Women and Children’s Protection Desk, alas-kuwatro ng hapon nangyari ang insidente sa boundary ng Barangay Muzon at Barangay Baritan ng nasabing lungsod.

Namimingwit ng isda ang biktimang itinago sa pangalang Louie, 15, sa palaisdaan sa nasabing lugar nang makita nito ang kanyang nakababatang kapatid na nilulunod umano ng suspek na itinago sa pangalang Boyet, 14, at kasama nito.

Mabilis niyang sinaklolohan ang kapatid at kinompronta ang mga nambu-bully dito pero inundayan siya ng saksak sa tiyan ng suspek.

Agad ding tumakas ang suspek at kasama nito habang naisugod sa Tondo Medical Center ang biktima na inoobserbahan sa ngayon ang kalagayan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?