51

Binatilyo kinuyog at sinaksak ng mga kaklase, kritikal

Sharing is caring!

Isang 17-anyos na binatilyong high school student ang agaw buhay ngayon matapos na pagtulungang gulpihin at saksakin pa ng kanyang mga kaklase sa Lungsod ng Valenzuela kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Valenzuela police chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay, naganap ang insidente alas – 7:00 pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa Polo Bridge sa Barangay Poblacion.

Naglalakad ang biktimang si Jefferson Lejarde, 17 anyos, grade 8 student ng Polo National High School at residente ng Bisig Road, Barangay Bisig ng parehong lungsod kasama ang kanyang pinsang si Jay-R Justo nang tawagin ng kanyang mga kaklase.

Paglingon ni Lejarda, bigla na lang siyang sinalubong ng suntok ng isa sa mga suspek hanggang sa pagtulungan siyang gulpihin ng mga ito.

Hindi pa nakuntento, dalawa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at sinaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nakatakdo naman ang pinsan ng biktima.

Nagsitakas ang mga suspek matapos ang insidente. Inoobserbahan naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center dahil sa dami ng saksak na natamo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?