49

Apr 5, 2018 @ 11:47
By

Binatilyo, huli sa pagtutulak ng shabu

Kulungan ang bagsak ng isang 16-anyos na binatilyo matapos mahulihan ng shabu makaraang isumbong ng kapitbahay na nagtutulak ito ng droga, kamakalawa ng hapon sa Creekside, Marikina City.

Inaresto ang binatilyong itinatago sa pangalang Christian, residente ng Barangay Tumana, Marikina City ng mga tauhan ng PCP-4 matapos makatanggap ng tawag mula sa ilang kapitbahay na nagtutulak ng droga ang binatilyo at ginagawa na ito bilang trabaho kasabwat ang ilang tulak.

Kasalukuyang nakakulong si Christian sa detention cell ng Marikina police sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs habang inihahanda pa ang mga papeles sa posibilidad na ilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa report, naganap ang buy bust bandang 1:00 kamakalawa ng hapon sa Palay St., Creekside sakop ng Barangay Tumana, Marikina City na kung saan ay positibong nakilala ang suspek base sa ibinigay na description ng caller na nagtutulak ito ng droga.

Nakumpiska mula kay Christian ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng droga. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?