11
views
duck

Binatilyo binaril dahil sa itlog sa Zamboanga

Sharing is caring!

Sugatan ang isang 12-anyos na lalaki matapos barilin umano ng may-ari ng kulungan ng mga pato na pinagnakawan ng itlog ng biktima sa Tigbao, Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, pinuntahan ng suspek na si Junrey Banay ang kulungan ng mga pato niya at nakita ang binatilyo na ninanakaw ang itlog ng kanyang mga alaga.

Bunga nito, binaril umano ni Banay ang biktima na tinamaan sa braso at agad isinugod sa pagamutan ng mga kapitbahay.

Tinangka pa umanong tumakas ni Banay ngunit nahuli siya ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation.

Kasong frustrated murder umano ang kakaharapin ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?