18

By

Binatilyo agaw-buhay sa pananaksak

Sharing is caring!

Isang binatilyo ang nasa kritikal na kondisyon matapos na walang habas na pagsasaksakin ng kanyang nakainuman sa kaarawan pa mismo ng kanyang pinsan sa Lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Police ay ganap umanong ala-una pasado ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahay ng pinsan ng biktimang si Fausto Dela Cruz, 17-anyos sa Maringal Street, Barangay Tanza ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong masayang nakikipag-inuman sa kapwa niya mga bisita ang biktima nang bigla na lamang siyang hampasin sa ulo ng suspek na nakilalang si James Lee Bitas, nasa hustong gulang ng parehong lugar gamit ang isang bote ng beer.

Hindi pa nakontento at itinarak pa nang paulit-ulit sa katawan ng biktima ang basag na bahagi ng boteng ipinampalo niya dito, matapos ang insidente ay agad ding tumakas ang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.

Mabilis namang naisugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Navotas City Hospital ngunit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center na patuloy ngayong inoobserbahan ang kalagayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?