59
arestado
Oct 22, 2017 @ 16:43

Binatilyo, 2 pa timbog sa armed robbery

Suwerteng hindi pumutok ang ‘pen gun’ na ginamit ng isa sa tatlong nahuling holdaper at nabawi din ang cellphone ng biktimang binatilyo sa Las Pinas City noong Biyernes ng gabi.

Base sa ulat, naglalakad ang 15-anyos na biktima sa Aratiles st., Barangay CAA kasama ang kanyang mga kaibigan nang harangin sila ng apat na lalaki.

Tinutukan ang biktima ng pen gun at inagaw sa kanya ang kanyang cellphone.

Kinalabit pa ng suspek ang gatilyo ngunit hindi pumutok ang kanyang pen gun kayat nagtakbuhan na lang sila.

Suwerte naman na may nakasalubong na nagpapatrulyang mga pulis ang biktima kayat inabutan pa nila ang tatlo sa apat na suspek na kinilalang sina Angelito Pacheco, 22; Jeric Villamor at isang alias Lino, 14.

Nakuha kay Pacheco ang pen gun, isang ice pick at ang cellphone ng biktima. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?