159

Mar 15, 2020 @ 18:20
By

Binatang may kapansanan binaril ng mga tanod

Hinihinalang napatay ng mga barangay tanod ang isang binatang may kapansanan sa pag-iisip matapos na ito ay mambato ng isang bahay sa Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na isang alyas “Toto,” 23 anyos, tubong Nueva Vizcaya at nakatira sa Barangay San Andres.

Batay sa report ng Candelaria police, huling nakitang buhay ang biktima habang ito ay hinahabol ng mga barangay tanod matapos batuhin ang bahay ng isang Susana Barcillano Bumalay sa Sitio Centro ng nasabing barangay.

Makaraan lamang ang ilang minuto, nakita na itong walang buhay at may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Namatay noon din si Toto samantalang nawala na ang mga humahabol na tanod.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang mga pangalan ng mga tanod na sangkot sa pagtugis sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?