127

By

Binata pinag-almusal ng bala

Sharing is caring!

Patay ang isang 39-anyos na binata matapos barilin na hindi pa nakikilalang salarin habang bumibili ng tinapay sa isang tindagan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/ Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktimang namatay noon din sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 38 baril sa ulo na si Enrico Parado Carlos, 39-anyos, binata, walang trabaho at residente ng No. 20 M. aquino St., Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Alvin Quisumbing ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-4:00 ng madaling araw (December 03, 2017), sa harap mismo ng bahay ng biktima.

Kagigising lamang umano ng biktima at lumabas ng bahay para bumili ng almusal subalit isang hindi nakikilalang lalaki ang biglang sumulpot sa kanyang likuran at walang sabi-sabing malapitan itong barilin sa ulo.

Batay sa pahayag ni Arman Parado, pinsan ng biktima, natutulog pa umano siya at nagising dahil sa malakas na alingawngaw ng putok ng baril sa labas ng kanilang tahanan.

Agad niyang sinilip ang pinagmulan ng putok ng baril at doon ay nakita niya ang pinsang si Carlos na duguan nang nakahandusay sa harap ng bahay nito.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na krimen at inaalam pa ang motibo ng pamamaril para sa agarang ikadarakip ng salarin. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?