39

By

Binata napagtripan, tinusok ng BBQ stick sa leeg

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 16-anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin ng kapwa niya menor de edad na lalaki gamit ang isang barbeque stick sa kanyang leeg sa Lungsod ng Caloocan kahapon nang gabi.

Sa ulat ng Caloocan City Police-Station Investigation Division and Management Branch (SIDMB) ay ganap umanong alas-9:50 nang gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Angel’s Burger Store na matatagpuan sa kahbaan ng Sangandaan, Barangay 5 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong naglalakad pauwi ang biktimang si Gardson Mendez, 16-anyos ng Salomon Street, Barangay 8, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod kasama ang kaibigan si Reggie Saja, 18-anyos, galing sa isang birthday celebration nang harangin sila ng mga suspek na itinago sa mga Alyas na Kenneth, 17-anyos, Raisel at Maico, pawang mga menor de edad at sa walang kadahi-dahilan ay bigla na lamang na pinagsasaksak ng barbeque stick ni Kenneth si Mendez sa kanyang kanang leeg.

Matapos ang insidente ay agad ding tumakas ang mga suspek habang agad din namang naisugod sa Caloocan CIty Medical Center.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya sa agarang ikakaaresto sa kabataang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?