87

Jan 22, 2021 @ 18:33
By

Binata nakadenggoy ng P47M sa pinasukang grocery store

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos masuwitik ang pinagtatrabahuhan niyang grocery store.

Ayon sa ulat, nakagawa si Tre Brown ng 40 fake returns sa grocery store para sa mga non-existent item, sa loob ng dalawang linggo mula December 2020 hanggang January 2021.

Sa pamamagitan ng mga pekeng returns, pinaniniwalaang nakakolekta si Brown ng nasa $980,000 o mahigit P47,000, na inilagay nito sa iba’t ibang credit card.

Ang mga credit card ang ginamit niya para naman mamili ng mga damit, sapatos, baril at dalawang sasakyan.

Matapos maaresto si Brown, naibalik ang parte ng malaking halaga na ninakaw niya ngunit hindi na isiniwalat ng mga pulis ang eksaktong halaga nito.

Nahaharap si Brown sa kasong theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?