213
suicide-
Jun 3, 2019 @ 15:08
By

Binata nagpasalamat bago nagbigti sa QC

“Thank You For Everything.”
Ito lamang ang maikling suicide note na iniwan ng 20-anyos na binata na natagpuang nakabigti ng sinturon sa hagdan ng ikatlong palapag ng kanilang tahanan sa Barangay Commonwealth sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Ralph Laurence Quijano, 20-anyos, binata, at residente ng Elma St., Brgy. Commonwealth, QC.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-10: 45 ng gabi ng Hunyo 2 nang matagpuan na nakabigti ng sinturon ang biktima sa hagdan ng ikatlong palapag ng kanilang tahanan.

Ayon sa pahayag sa pulisya ng pinsan ng biktima na si Junard Carreon, umakyat umano siya sa 3rd floor at nang kaniyang buksan ang ilaw ay tumambad sa kaniya ang nakabigting katawan ni Quijano sa hagdan.

Sa takot ay agad siyang bumaba at ipinagbigay-alam sa kanilang lolo na si Jose Madela ang ginawang pagpapatiwakal ng kaniyang pinsang si Quijano.

Mabilis namang humingi ng saklolo si Madela sa kanilang mga opisyal ng barangay subalit nang maibaba ang nakabigting katawan ng apo ay wala na itong buhay.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ni Madela ang pagbibigti ng kaniyang apo dahil kumbinsido umano sila na sadya itong nagpakamatay subalit hindi na nito idinetalye pa ang dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?