496
views
suicide
By

Binata, naglason muna bago tumalon sa 39th floor ng condo

Sharing is caring!

Nagkalasug-lasog ang katawan at basag ang bungo ng isang matandang binata na umano’y dating drug user at galing sa rehabilitation center matapos na magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-39 palapag ng nirerentahang condominium sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal and Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si David Gapuz, 48-anyos, binata, self employed at residente ng No. 3917-B, Tower 1, Grass Residence na matatagpuan sa Barangay Sto. Cristo, Bago Bantay, QC.

Ang biktima ay namatay noon din sanhi ng tinamong head injuries at pagkalasug-lasog ng katawan.

Sa inisyal na report ni PO3 Alvin Quisumbing, ng CIDU, ang insidente ay naganap dakong alas-11:22 ng gabi nitong Lunes (Abril 16), sa Tower 1, Grass Residence na matatagpuan sa Barangay Sto. Cristo, Bago Bantay, ng nabing lungsod.

Batay sa pahayag ni Noli Perez, duty security guard sa nasabing gusali, nagsasagawa umano siya ng pagro-roving nang makarinig siya ng malakas na lagabog.

Nang kanyang tunguhin ang pinagmulan ng lagabog ay tumambad sa kanya ang lasug-lasog at duguang katawan ng biktima.

Ayon sa ina ng biktima na si Gng. Diana Chua Gapuz, 72-anyos, naninirahan sa Project 8 ng lungsod, nitong nakalipas na dalawang Linggo ay tumawag pa sa kanya ang anak at nangumusta subalit wala naman itong idinaing na problema.

Nabatid na nagpa-rehab ang biktima dahil sa pagiging drug user umano nito at lumabas makalipas ang dalawang taon.

Wala namang iniwang ‘suicide note’ ang biktima subalit nakasamsam ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatves (SOCO) ng mga patalim, bulak at mga puting t-shirt sa loob ng silid nito.

Nadiskubre din sa isinagawang awtopsiya ng SOCO na may ‘food poisoning’ sa tiyan ang biktima na hinihinalang uminom muna ng lason bago tumalon sa gusali ng tower.

Gayunman, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung may naganap na ‘foul play’ sa umano’y pagpapatiwakal ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?