482
Binata nagbigti sa puno ng malunggay
By

Binata nagbigti sa puno ng malunggay

Lawit ang dila at halos maputla na ang buong katawan ng 21-anyos na lalaki nang matagpuang nakabigti sa puno ng malunggay sa Quezon City, Martes ng umaga.

Kinilala ni ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Jovir Jan Palomo Panes, 21, binata, tubong Iloilo City at residente ng No. 004 Lower Jasmin St., Area A. Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na report ni PSSgt. Genaro Diego Jr., imbestigador ng CIDU-QCPD, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuang nakabigti ang biktima sa puno sa Everlasting St., Area A, Brgy. Payatas.

Ayon sa pahayag ni Nora Balase, purok leader sa nasabing barangay, pagkagising niya ng umaga ay lumabas siya sa kaniyang tahanan subalit bumungad sa kaniya ang nakabigting katawan ng binata sa puno malapit sa kaniyang bakuran.

Agad na itinawag ni Balase ang insidente sa kanilang barangay officials na mabilis namang rumesponde at saka ini-report sa himpilan ng pulisya ang nasabing pagpapakamatay ng biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may foul play sa sinasabing pagbibigti ng binata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?