188
spiderman
May 28, 2018 @ 15:32

Binata, nag-ala-‘Spider-Man’ sa pagsagip sa 4-anyos na bata

Umaani ng papuri ang isang lalaki matapos nitong isalang ang kanyang buhay para sagipin ang 4-anyos na bata na nakabitin sa ika-apat na palapag na gusali.

Hindi inalintana ng 22-anyos na si Mamoudou Gassama ang kapahamakan para masagip ang bata sa 4th floor ng balkonahe na nakunan ng video.

Nangyari ang insidente dakong alas-otso ng gabi noong Sabado sa Paris.

Mabilis na umakyat pataas ng gusali si Gassama gamit lang ang kanyang mga kamay para maabot ang nakabitin na bata.

Matapos makarating sa ika-apat na palapag, inilagay ni Gassama ang kaliwa niyang paa sa balkonahe bago niya inabot at hinatak ng kanang kamay ang bata.

“I saw all these people shouting, and cars sounding their horns. I climbed up like that and, thank God, I saved the child,” sabi ni Gassama.

“I felt afraid when I saved the child … [when] we went into the living room, I started to shake, I could hardly stand up, I had to sit down,” dagdag pa niya.

Pinapurihan ni Paris Mayor Anne Hidalgo ang lalaki sa Twitter dahil sa katapangang ipinamalas nito.

Tinawag niya itong “Spider-Man of the 18th”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?