34

Nov 27, 2021 @ 14:42
By

Binata na kinatay ama absuwelto sa murder

Pinawalang-sala sa kasong murder ang isang anak na binurdahan ng saksak ang kanyang ama para protektahan ang kanyang ina.

Ayon sa The Sun report, inabsuwelto si Alex Pompa, 20, noong Miyerkoles sa Court of Assizes, Turin sa Italy.

Maraming beses pinagsasaksak ni Pompa ang amang si Giuseppe, 52, bago tumawag ng mga pulis sa kalapit na bayan ng Collegno noong April 30, 2020.

Malaya na si Pompa matapos ipasiya ng mga hukom na pinatay niya ang kanyang ama para protektahan ang kanyang ina mula sa domestic violence.

Naging susi sa pagkaabsuwelto ni Pompa ang testimonya ng nakababata niyang kapatid na si Loris, na nagsabi sa mga hukom na isang “sick man”, obsessed, seloso at mahigpit sa kanilang ina si Giuseppe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,