294

May 3, 2021 @ 13:48
By

Binata, huling ginagalaw menor na kapitbahay

Isang 20 anyos na lalaki sa San Jose Del Monte Bulacan ang huli sa aktong ginagahasa ang 15 anyos na kapitbahay.

Ayon sa ulat, nahuli ang suspek at ang biktima na parehong nakahubo sa isang damuhan.

Ang tiyahin umano ng biktima ang nakadiskubre ng maitim na balak ng suspek matapos mabasa ang mahahalay na chat ng lalaki sa biktima.

Nabasa rin ng tiyahin ng biktima ang mga mensahe ng suspek na nagsasabi sa dalagita na huwag magsusumbong sapagkat siya ay makukulong.

Ayon naman sa suspek, dalawang linggo na silang magkasintahan ng dalagita. At nang sila umano ay mahuling parehas nakahubad, sila raw sana ay maliligo lang sa ilog.

Gayunpaman, kumbinsido pa rin ang mga kaanak ng biktima sa masasamang balakin ng suspek at itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?