soco2
By

Binata dedbol sa haybol ng VIP escort

Sharing is caring!

Binaril at napatay ng umano’y VIP escort ang isang binata na hinihinalang magnanakaw nang makita niya ito sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District ang napatay na umano’y kawatan na si Jonas Elardo, 21-anyos, binata, residente ng Midway St., Forest Hills Subd., Brgy. Gulod, Novaliches.

Si Elardo ay unang dinala sa Novaliches District Hospital at binawian ng buhay habang inililipat sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala ng ‘di pa malamang kalibre ng baril sa ulo.

Ang may-ari ng bahay na pinasok ng kawatan na nakilalang si Marlowe Aseras, may-asawa, at residente ng No. 086 Joan of Arc, Brgy. Gulod Novaliches, ay tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Jogene Hernandez, ng CIDU, dakong alas-3:30 ng madaling -ay nasa kahimbingan ng pagkakatulog si Aseras, at ang misis niyang si Jenily Yabut-Aseras.

Nagising sa pagkakatulog si Aseras nang makarinig ng mga yabag galing sa silid ng kanyang anak na babae kaya agad itong bumangon at nagulat na lamang siya nang makita ang isang lalaki.

Nang sisitahin niya si Elardo ay mabilis itong naglabas ng patalim at akmang sasaksakin si Aseras kaya tumakbo ang huli sa silid nilang mag-asawa at kinuha ang kanyang baril.

Naabutan pa ni Aseras ang kawatan na nagmamadaling bumaba ng hagdan ng kanilang bahay kaya hinabol niya ito at nang abutan ay muli siyang inambahan ng patalim kaya binaril niya ito ng dalawang beses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?