17

May 2, 2021 @ 17:09
By

Binata 2 beses binoga sa ulo

Dedo ang isang binatilyo sa Barangay Mailum, Negros Occidental nitong Biyernes, Abril 30, matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki.

Ang biktima ay nakilalang si Cyrus Mariano, 18 anyos.

Ayon sa police chief ng Bago City na si Lt. Col. John Joel Batusbatusan, mag-isang natutulog umano ang biktima nang pagbabarilin ito ng mga suspek, na agad nakatakas matapos ang pangyayari.

Dalawang tama sa ulo at isa naman sa dibdib ang tinamo ni Mariano na agad nitong ikinamatay.

Narekober ang tatlong cartridge cases at isang bala na 9 mm sa pinangyarihan ng krimen.

Dagdag pa ng pulis, may mga nakakita sa ginawang pamamaril sa biktima ngunit bigo ang mga ito na makilala ang mga suspek.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga awtoridad sa krimen ang kaugnayan ng biktima sa ilang insidente ng pagnanakaw at pagbabanta, kung saan mayroon pa itong record sa kanilang barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?