71
Binasurang debate, isusubo naman sa PPCRV
Mar 8, 2019 @ 15:05
By

Binasurang debate, isusubo naman sa PPCRV

Matapos ibasura ng Comelec, panahon na umano para hilingin sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na ito na ang manguna sa hinihinging debate ng opposition senatorial slate Otso Diretso.

Ayon ito kay election lawyer Romy Macalintal, na tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Otso Diretso.

“Then it’s time for us to request the Parish Pastoral Council for Responsible Voting to take up the cudgels for the people’s desire to hear candidates from the administration on various issues alongside with the opposition in an open public debate,” saad ni Macalintal.

Inilahad din nito ang kanyang sentimyento sa pagbasura ng poll body sa kanilang hirit na debate.

Aniya, ang request lang naman ng Otso Diretso ay ang Comelec ang mag-“officiate” sa debate at hindi ang magsagawa nito.

“We did not ask Comelec to conduct the debate. We merely asked Comelec to ‘officiate’ (over) a debate between Otso Diretso bets against the Hugpong ng Pagbabago and suggest possible terms and conditions,” himutok pa ni Macalintal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?