712

Feb 26, 2020 @ 17:43
By

Binaril na pares vendor sa Maynila, namatay na

Pumanaw na ang pares vendor na hinoldap at binaril sa Port Area, Maynila nitong nakaraang Martes.

Ayon sa kanyang kapatid na si Sydney ngayong Miyerkoles, Pebrero 26, sumakabilang-buhay si Samson Bautista, makalipas ang isang surgery sa Philippine General Hospital.

Matatandaang Pebrero 18, 2020, binaril sa leeg ang 41-anyos na tindero sa Baseco Compound matapos manlaban sa suspek na si Alexander Ogdamina, na kinukuha ang kanyang bag.

Nang maaresto, umamin si Ogdamina na lulong ito sa ilegal na droga nang gawin ang krimen. Sinabi niya ring hindi sana mababaril ang vendor kung binigay lang nito ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang benta.

Naulila ni Samson ang kanyang asawa at tatlo nilang anak.

Sa ulat ng dzBB, sinabing dadalhin ang kanyang labi sa Tiaong, Quezon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?