1,139

By

Binantaan pang papatayin: Arjo natakot sa mga magulang ni Maine

Ikinuwento ni Arjo Atayde kung ano ang kaniyang naramdaman matapos nitong makadaupang-palad ang mga magulang ni Maine Mendoza.

Saad ni Arjo, siya’y natakot sa kanyang pakikipag-meet sa tatay at nanay ni Maine, na kahit dine-date pa lang ay naglakas na nang loob na pormal na humingi ng pahintulot na maligawan ang Kapuso actress.

“I think every guy would be scared to meet the family. Nakakatakot po, e, kasi, di ba, malamang po babae po yung anak nila,” ani ni Arjo.

“Nakakatakot, but I faced it, because I have to and I want to,” aniya pa.

Matatandaan na ikinuwento ni Maine ang pagkikita ng kanyang parents at ni Arjo, na biniro pa ang manliligaw na may mangyayari umanong masama sa kanya kapag niloko ang anak.

“My parents also gave him a warning that they’d kill him if he does something bad to me. Haha! I remember him looking so timid as he sat on our couch in front of Teodoro and Mary Ann. That was the first time I introduced someone to my parents so I was hella nervous, too! Surprisingly, everything turned out fine and he made it out alive!” ayon sa blog ni Maine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?