270

Oct 5, 2020 @ 14:40
By

Biñan council secretary inambus, patay

Pinagbabaril hanggang sa mapatay kagabi ang kalihim ng Biñan City Council sa Laguna at ang kasama nito.

Ayon sa pulis Laguna, alas-7:30 ng gabi, Oktubre 4, nang tambangan sa kotse sina Edward “Edu” Alonte Reyes at ang kasama niyang doktor na si Don Deocaris sa Barangay San Antonio sa Biñan.

Inambus ang dalawa ng hindi pa tukoy na bilang ng mga suspek malapit sa isang convenience store sa Jubilation Road malapit sa city government building.

Sinugod pa ang mga biktima sa University of Perpetual Help Hospital pero dineklarang dead on arrival.

Si Reyes ay pinsan ni Biñan Rep. Marlyn Alonte at miyembro ng dominant political clan sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?