50

Dec 4, 2017 @ 14:46
By

Binakunahan ng Dengvaxia tukuyin, bantayan – Hontiveros

Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros sa Department of Health na agad nang lumikha ng data base para sa mga batang nabigyan ng anti-dengue vaccine kahit hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Ipinalilista ng senadora ang 70,000 bata na umanoy nabakunahan sa Luzon at Cebu.

Ito’y para masubaybayan at mabantayan ang kalusugan ng mga bata at upang mapaghandaan ang maaring kailanganin ng mga ito sa hinaharap.

Una nang iniulat ang umano’y pahayag ng pharmaceutical company na Sanofi na maring magkaroon ng “severe disease” ang hindi pa nagkaka-dengue pero nabakunahan ng kanilang produkto na Dengvaxia.

Sa 700,000 napabakunahan mula noong Abril 2016, nasa 10 porsiyento o 70,000 umano ay hindi pa nagkaka dengue.

Samantala, sinabi ng senadora na obligasyon ng DOH na ipaliwanag sa publiko kung bakit ito bumili ng bakuna kontra dengue at kung bakit itinuloy nag patuturok nito sa kabila ng mga babala at agam-agam noon pa man ng mga medical experts ukol sa panganib ng nasabing bakuna.

Dapat naman aniyang sagutin ng Sanofi ang pagbabantay sa kalusugan ng mga bata at magbayad din sila ng danyos sa mga magulang. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?