51
Binakanteng korona ni Nietes, uupakan ni Palicte
By ,

Binakanteng korona ni Nietes, uupakan ni Palicte

May pagkakataon ang Pinoy boxer na si Aston Palicte para sa world championship sa pagharap nito kay Japanese boxer Kazuto Ioka para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) world super flyweight ngayong Hunyo 19.

Ang WBO super flyweight title ay binakante ni Pinoy boxer Donnie Nietes ilang buwan lang matapos nitong masungkit ang titulo kay Ioka sa Macau, China.

Kinumpirma mismo ng chief handler ni Palicte na si Jason Soong na nagkasundo na sila ng kampo ni Ioka para sa bakbakang ito na pwedeng ganapin sa Osaka o Chiba.

Ang tubong Bago City na si Palicte ay nagkaroon ng pagkakataon na i-challenge ang sinumang may hawak ng super flyweight title matapos ang stoppage victory nito kontra sa Mexican na Jose Martinez noong Enero.

Gusto sana ni Palicte ng rematch kontra sa kapwa Pinoy na si Nietes pero bigo ang dalawang kampo na magkasundo kaya’t nagpasya na lang si Nietes na bitawan ang titulo.

Bitbit ng 25-anyos na si Palicte ang 25-2-1, 21 KOs na professional record habang ang 30-anyos naman na si Ioka ay tangan ang 23-2, 13 KOs na win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?