52

Jan 5, 2021 @ 19:09
By

Binaboy anak ko! Nanay ni Dacera nagpasaklolo kay Digong

Nagsumamo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ng pinaslang na flight attendant upang masigurong makamit ang hustisya sa ginawa sa anak niya.

Noong Enero 1, 2021 natagpuang patay si Christine Angelica Dacera, 23, sa loob ng isang hotel room sa Makati City.

Maging ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte ay pinakiusapan din ni Ginang Sharon Dacera dahil ayaw aniya niyang mangyari pa sa ibang babae ang karumal-dumal na ginawa sa anak niya.

“Tatay Digong, tulungan n’yo po kami. Ordinaryo lang po akong tao. Ma’am Sara Duterte, nanay ka rin. May anak ka rin na babae. That is why I want to come out in the open because I don’t want somebody to be a victim again by this kind of brutality, barbaric,” emosyonal na pahayag ni Ginang Sharon sa isang press conference nitong Martes.

“Binaboy n’yo ang anak ko. Ayokong may mangyari ulit diyan na isang babae na bababuyin n’yo ulit. Kaya lalabanan ko ang laban nitong anak ko,” dagdag niya.

Giit pa niya, dapat managot ang mga suspek.

“Siyempre ilalaban ko ‘tong anak ko. Mga perpetrators dapat maparusahan, Tatay Digong. Hindi deserve ni Christine iyong brutality na ginawa. Tatay Digong tulungan mo kami. Dapat maparusahan sila,” pakiusap pa ni Ginang Sharon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?