167

By

Binabantayang LPA ganap nang isang bagyo

Lumakas na sa tropical depression ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Aparri, Cagayan na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Namuo umano ang bagyong Dodong alas-dos ng hapon nitong Martes.

Maaari umano nitong mapalakas ang monsoon rains sa Western Visayas at Western Mimaropa sa Miyerkoles.

Samantala, sa Huwebes patuloy na makakaapekto ang southwest monsoon o habagat sa Western Visayas at western portions ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?