22

Apr 22, 2020 @ 16:38
By

Binabangko ng coach: Anak ni Wade lilipat sa Brewster Academy

Inanunsyo ng anak ni NBA star Dwyane Wade na maglalaro siya sa Brewster Academy matapos niyang grumadweyt sa Sierra Canyon.

“Told em it’s another route , ima take the other way #NextStep,” saad ni Zaire Wade sa Instagram post.

Si Wade ay rumanggong No. 197 bilang overall prospect sa 2020 class ng 247Sports.

Niligawan din siya ng Rhode Island, Toledo at DePaul.

Ang napisil na Brewster Academy ni Wade ay isang private boarding school sa Wolfesboro, New Hampshire na nakapag-produce na ng mga NBA player gaya ni Utah Jazz guard Donovan Mitchell.

Naglaro si Wade sa Sierra Canyon high school sa California kasama sina Bronny James, Ziaire Williams at BJ Boston pero habang tumatagal ay nawawala na siya sa rotation ng team.

Kamakailan binatikos ng ama niyang si Dwyane ang coach ng Sierra Canyon na si Andre Chevalier.

“I will not be there,” ani Wade nang tanungin kung manonood sa state championship game.

“My son ain’t playing, and I don’t want to do nothing to the coach. So, I won’t be there. … But I’ll be rooting for the kids.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?