192

Mar 5, 2021 @ 23:19

Bimby pinagtanggol ng mga netizen sa bakla isyu

“Tantanan n’yo si Bimby!”

Ito ang panawagan ng mga netizen sa mga nagbibigay pa rin ng kahulugan sa pagiging feminine ng bunsong anak ni Kris Aquino.

Ito’y matapos kumalat ang video kung saan makikitang kausap ni Bimby ang kanyang Mommy Kris nang biglang tumawa habang tinatakpan ng mga nakapilantik niyang kamay ang kanyang bibig.

Ayon sa mga netizen, walang masama sa expression ni Bimby at hindi ito maaaring gawing dahilan para husgahan ang kanyang sexual orientation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?