645

Dec 26, 2017 @ 16:15
By

Bimby hinangaan ng netizens sa isyu ng ‘homosexual’

Naglabas ng tampo ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby tungkol sa mga paratang sa kanya na siya ay isang gay. Aware raw siya na ganun ang tingin sa kanya ng mga tao dahil diresto niyang sinabi sa kanyang ina na, “Like, they think, like I’m homosexual?”

Ayon nga sa tsikahan nila ng kanyang mommy, “Why would you judge a child?”

Sinuportahan ito ni Kris sa pagsasabing, “Don’t judge a child and don’t make the decision for the child.”

Sa child psychology, malakas ang impact ng mga pre-judgments na ito sa isang 10-year old child na binabase lamang sa kanyang mga kilos at pananalita.

Malalim din nga ang hugot ni Bimby sa pagsasabing, “It’s because we’re still learning about ourselves and puberty hasn’t struck on me yet?”

Nakaka-bother naman daw na sa murang edad niya ay meron na siyang confusion dahil sa impluwensiya ng social media at ng kanyang environment.

Matalino naman kasing bata si Bimby na hindi engot na ganun na kaagad ang tingin sa kanya ng publiko. Bigyan natin ng pagkakataon ang bata dahil for sure naman, kung anuman ang maging desisyon niya sa buhay niya, tatanggapin siya ng buo ni Kris and ‘yun ang magma-matter the most.

O, devah?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?