661

Dec 26, 2017 @ 16:00
By

Bimbi & Josh nagkasakit sa Japan, Kris inatake ng imbalance

Inatake ng sipon at ubo ang mga anak ni Kris Aquino sa kanilang Christmas vacation sa Japan.

Hindi nakayanan nina Bimby at Joshua ang lamig sa pinuntahan nilang city kaya nagkasakit ang dalawa.

Kitang-kita sa video post ni Kris ang mommy-duty nya na pinapahiran nang remedy ang katawan nang bunso niyang si James Jr.

Hindi na ipinakita pero nabanggit nya sa caption na pinahiran rin nya nang cough and colds remedy ang panganay.

Inatake rin si Kris ng kanyang imbalance si Kris sa Japan. Nakasulat rin ito sa IG caption nya sa naunang mga videos na inaalalayan sya ng kanyang mga anak sa paglalakad.

Yung isang video tinutulungan ni Bimby ang Mommy niya na magsuot ng thermal jacket at sa isang video naman dala-dala nan i Joshua ang bag ni Kris habang akay-akay nya ito dahil sa imbalance.

Sila-silang magi-ina ang nagtulung-tulong sa pagalalay sa isa’t-isa lalo’t ilan lang ang kasamang assistant ni Kris sa travel nilang ito.

Ipinapakita lang sa video kung gaano ka-intact at laki ng pagmamahalan sa isa’t-isa nina Kris and kids lalo na sa abroad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?