223

Mar 9, 2019 @ 16:34
By

Bilyonaryo patay matapos magpalaki ng ari

Isang bilyonaryong diamond trader ang nasawi matapos magkaroon ng komplikasyon ang isinasagawang penis enlargement operation sa kanya.

Ayon sa ulat ng Belgian newspaper Gazet van Antwerpen, tinurukan ang ari ni Ehud Arye Laniado, 65, ng ‘di pa batid na substance ng isang plastic surgeon sa Paris pero inatake ito sa puso.

Batay sa mga report, biktima umano si Laniado ng tinatawag na “Napoleon Complex”, isang inferiority complex o mababang self-esteem.

Masyado rin umanong inaalala lagi ni Laniado ang itsura niya at kung ano ang sinasabi ng mga tao sa kanya.

Kinumpirma ng Omega Diamonds, isang Belgian-Israeli company, ang pagkamatay ng founder nila sa Facebook.

“It is with great sadness that we confirm that our founder Ehud Arye Laniado has passed away. After living an exceptional life Ehud will be brought back home to Israel as his final resting place. He will be dearly missed by us all,” saad sa FB post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?