17

Sep 16, 2020 @ 12:25
By

Bilyonaryo mamamatay na walang pera

Apat na dekada ang kinailangan para maipamigay ng dating bilyonaryo ang lahat ng kanyang pera sa charity o kawanggawa.

Lumikom nang bilyon-bilyon habang nabubuhay nang matipid si Charles “Chuck” Feeney, 89, na co-founder ng airport retailer Duty Free Shoppers noong 1960.

“We learned a lot. We would do some things differently, but I am very satisfied. I feel very good about completing this on my watch,” wika ni Feeney sa Forbes.

Pinangunahan ni Feeney, isang philanthropist, ang ideya na Giving While Living—pagbibigay ng kalakhan ng iyong pera sa malalaking charity bets kaysa pagpondo ng isang foundation kapag namatay ka na.

Sa pamamagitan ng kanyang foundation na Atlantic Philanthropies, nag-donate si Feeney nang higit $8 bilyon (₱387 bilyon) sa mga charity, university at foundation worldwide sa nakalipas na apat dekada.

Kabilang dito ang nabigay niyang $3.7 bilyon sa edukasyon, higit $870 milyon sa human rights at social change (gaya ng pag-alis ng death penalty sa Amerika), at higit $700 milyon sa kalusugan (gaya ng pagpapabuti ng public healthcare sa Vietnam).

Nitong Setyembre 14, 2020, nakumpleto na ni Feeney ang kanyang misyon na global giving at nilagdaan–kasama ang asawang si Helga Feeney–ang mga dokumento upang tuluyang isara na ang Atlantic Philanthropies.

“I see little reason to delay giving when so much good can be achieved through supporting worthwhile causes. Besides, it’s a lot more fun to give while you live than give while you’re dead,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?