37

Feb 18, 2021 @ 16:08
By

Bilyon kita ng mga negosyante! PMVIC ibasura na – CDO Rep. Rodriguez

Labag pa sa Konstitusyon ang pagsasapribado ng motor vehicle inspection system (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr).

Ayon ‘yan kay Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, na sinabing walang nakalagay sa batas na puwedeng ipaubaya sa mga pribadong kompanya ang MVIS.

“They cannot show us any authority, any law, that will allow the LTO and Department of Transportation to give this motor vehicle a compulsary inspection to the private sector,” lahad ni Rodriguez sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

Aniya, hindi tama ang Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) dahil dapat gobyerno ang mangasiwa sa MVIS base sa batas, at ang pondo ay puwede sanang kuhanin sa motor vehicle user’s charge.

Sa dami din umano ng pribadong sasakyan sa bansa, bilyon ang kikitain ng mga kompanya na may tinalagang PMVIC, at aniya’y hindi rin ito dumaan sa bidding.

“Imagine, 7 million vehicles times P1.800 every time that you register your car. This is multi-billion income given to the private sector to the detriment of all of us,” giit ni Rodriguez.

Nagsampa na ng reklamo at resolusyon ang mambabatas para tuluyan nang mabasura ang naturang sistema dahil aniya, dapat na sa mga may-ari ng sasakyan ang pagsigurong walang sira ang kanilang mga ginagamit sa biyahe.

“To make sure na hindi na tutuloy ito ng [Department of Transportation], ii-scrap na natin ito for good,” sambit ni Rodriguez.

“Let the owner be responsible for their vehicles. Kung may problema nga, you will not go out if the brake is deficient,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?