10

By

Billy super iyak sa ‘Despedida de Soltera’ ni Coleen

Sharing is caring!

Naging emosyonal si Billy Crawford sa kanyang mensahe sa ginanap na Despedida de Soltera para sa kanyang fiancee na si Coleen Garcia noong Sabado ng gabi. Ito ay inorganisa ng pamilya ni Coleen kung saan dumalo ang ilan nilang malalapit na kaibigan at kani-kanilang pamilya.

Naging emosyonal nga si Billy dahil sa pagdating ng kaniyang parents mula sa Amerika na apat na taon na niyang hindi nakikita.

Kung matatandaan, ang health issue ng kanyang parents ang itinuturong dahilan ni Billy kung bakit hindi niya inaasahan ang pagdating ng kanyang parents, lalo na sa araw ng kanilang kasal.

Kaya nga, ang plano sana nila ni Coleen ay sila ang pupunta sa Amerika para mag-bless sa kanyang parents at magkaroon ng simpleng handaan doon to celebrate their union.

Maging ang kanyang magiging esposa ay na-surprise din dahil maging siya ay apat na taon na ring hindi nakikita ag mga ito katulad ni Billy kaya naging napaka-espesyal ng kanyang despidida de soltera dahil naroon ang halos lahat na mga mahal nila sa buhay.

Ang papa-party na yun ay may nautical theme dahil naging paboritong simbolo ng dalawa ang anchor ng isang barko dahil sumisimbolo nga raw ito ng kanilang marriage kung saan nakaangla nga raw sila sa isat isa bilang couples.

In fact, pareho na nga silang nagpalagay ng tatoo upang maging mas makahulugan ang relasyon.

Up to now, wala pang rebelasyon ang kanilag date ng kanilang kasal, pero isang kembot na lang ito base sa mga naglalabasang tsika tungkol sa kanilang kasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?