23

By

Billy, Pia, Gary saludo sa husay ng Aces of Spade

Sa kasisimula pa lamang na World of Dance, isang grupo ng mga kabataan ang nagpasabog kaagad ng kanilang talent sa pagsasayaw, kaya naman isang standing ovation ang natanggap nila mula sa audience at sa mga huradong sina Billy Crawford, Pia Wurtzbach at Mr. Gary Valenciano.

Puro papuri ang natanggap ng grupong na ito na mula pa sa Rizal na maganda ang background kung paano sila nabuo.

Ayon nga sa kanilang choreographer, nakita lang niya ang graupo ng mga bagets na ito na tumambay sa kalye, kaya ang ginawa niya ay binuo ito, inalok niyang sumayaw at tinuruan nga niya kahit ‘yung hindi pa naman ganu’n kagaling.

Pinagtiyagaan daw talaga niya, binigyang pangalan na Aces of Spade and the rest is history.

Nakailang laban na ang grupong ito sa ibang international dance competitions, at, katulad ng ibang Pinoy talengt, “they make us proud”, ika nga.

Ang reaksiyon ni Billy pagkatapos ng kanilang performance ay isang malutong na “wow!, napakagaling niyo”, samantalang si Gary V naman ay sobrang bilib sa choreographer nila dahil na-maximize nga nito ang full potential ng mga bata.

Upang maka-advance, kailangan lang ng mga contestant ng average na 80 percent, pero sila ay nabigyan ng score na 94.3. O, devah, devah?

Aabante na sila sa second level, kung saan mas mahihirap ang kanilang pagdadaanan dahil sala na ang mga contestant na pumasa, pero, may tatak na nga ang grupong ito, kaya isa talaga sila sa pakakaabangan.

Oo nga, noh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?