915

Nov 4, 2020 @ 22:09
By

Billy Crawford milyones ang inutang sa kapwa celebrity!

Totoo nga bang simot ang kayamanan ni Billy Crawford dahil sa COVID-19 pandemic?

Caught on camera kasi ang ginawa nitong pangungutang sa isang sikat na aktor na umaabot sa milyones ang halaga.

Dahilan ng international singer, wala daw siyang kinita simula noong tumama ang health crisis sa bansa.

At ang nakakaloka pa, tumataginting na P5 million lang naman ang gustong hiramin ni Billy sa kaibigang celebrity!

Ano kaya ang naging reaksyon ng kanyang inutangan at sino kaya ang mystery actor na hiniraman ng milyon ni Billy?

Abangan lahat ng iyan sa episode ng ‘Lunch Out Loud’ sa TV5, alas-12 ng tanghali sa Huwebes, November 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?