595

Jan 10, 2022 @ 19:37
By

Billy Crawford galante, nagbigay ng P150K sa nangangaroling

Galante pala ang mister ni Coleen Garcia na si Billy Crawford.

Ibinunyag ng showbiz columnist na si Lolit Solis na tumataginting na P150,000 ang ibinigay nito sa mga nangangaroling.

Hanga siya kay Billy dahil hindi na ipinamalita pa ang mabuting gawa para pag-usapan.

“Ang sarap talaga makita na hindi nagdadamot iyon mga stars na nakaka angat sa panahon na ito. Feel mo ang kindness at pagiging charitable ng marami.

“Na minsan ang binigay ni Billy Crawford sa carolling ay 150K? Mga gestures na nalalaman lang natin ng biglaan, hindi nag ingay. Mas maganda di ba? Mas sincere. Dahil iyon mismong tinulungan ang nagsalita, hindi iyon nagbigay. Tindig balahibo ka pag ganuon,” saad ni Lolit sa Instagram post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?