22

Jun 23, 2022 @ 11:07
By

Billie Eilish dadating sa ‘Pinas

Nagbunyi ang mga tagahanga ng international singer na si Billie Eilish matapos ianunsyo ang pagdating nito sa Pilipinas sa Agosto.

Magsasagawa kasi ng concert ang singer sa Agosto 13 sa Mall of Asia Arena.

Ayon sa Live Nation Philippines, isa ang bansa sa napili ni Billie na pagtanghalan ng kanyang “Happier Than Ever, The World Tour.”

Samantala, ito ang unang pagkakataon na aapak si Billie sa ‘Pinas para pasayahin ang kanyang fans.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?