41

May 4, 2021 @ 16:09
By

Bill Gates hiwalay na sa asawa

Matapos ang 27-taon ng pagiging kasal ay humantong na sa diborsyo ang pagsasama nila Bill and Melinda Gates.

Inanunsyo ito ni Melinda sa kanyang official Facebook account, at pinost din ni Bill sa kanyang Twitter account.


“After a great deal of thought and a lot of work on our relationship, we have made the decision to end our marriage,” saad ni Melinda sa kanyang post.

“Over the last 27 years, we have raised three incredible children and built a foundation that works all over the world to enable all people to lead healthy, productive lives,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng hiwalayan ay nangako ang dalawa na ipagpapatuloy nila ang operasyon ng Bill and Melinda Gates Foundation.

Humingi rin ng privacy ang dalawa sa pagsisimula ng bagong yugto ng kanilang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?