90

Dec 22, 2018 @ 19:41
By

Bilisan ang imbestigasyon – Arroyo sa pagpaslang kay Batocabe

Kinondena ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pang-aambush kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe nitong Sabado ng hapon sa isang barangay sa Albay.

Ayon kay Arroyo, kanyang mariing kinokondena ang pagpatay kay Batocabe, na kanyang inilarawan bilang kaibigan at kasangga.

“I condemn in the strongest possible terms the killing of an ally and friend, Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Nothing can justify his murder and that of his police aide,” saad ni Arroyo sa isang statement.

“I call on our law enforcement agencies to conduct a speedy and thorough investigation to bring all those behind this dastardly act to justice,” pakli pa nito.

Siya rin ay nakikiramay sa pamilyang iniwan ni Batocabe.

Ang Bicol Ako party-list Rep. ay namatay habang namimigay ng mga regalo sa Daraga, Albay, kasamang pinaslang ay ang security escort na si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz.

Tatakbo sanang mayor si Batocabe sa Daraga para sa eleksyon sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?