34

By

Bilibid pinalilipat sa Fort Magsaysay

Sharing is caring!

Isinusulong sa Senado ang paglilipat sa Fort sa Nueva Ecija ng New Bilibid Prisons (NBP) na nasa Muntinlupa City.

Sa Senate Bill 1612 na inakda ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, inaatasan ang Department of Justice (DOJ) na magpatayo ng malalaking gusali sa nasabing military reservation para magsilbing makataong bilangguan.

Ito ang tugon ni Gordon sa matinding siksikan at kalunos-lunos na kalagayan ng mga bilanggo sa Bilibid.

Sa ngayon, may 24,770 bilanggo sa Bilibid bagaman ang kapasidad aypara sa 10,082.

Sa paglalarawan ng mga dating opisyal ng Bureau of Corrections, ang NBP ay nasa state of emergency at ang siksikan ay mistulang “bomb waiting to explode.”

“The NBP has been suffering from overcrowded and unacceptable living conditions, and lack of space and facilities for inmates to live in, let alone for the government to conduct rehabilitation programs,” ayon kay Gordon.

“It bears stressing that one of the fundamental aims in the treatment of prisoners should be to encourage personal information and social rehabilitation,” dagdag ng senador.

Binigyang-diin din nito na katungkulan ng gobyerno na solusyonan ang sitwasyon ng mga bilanggo kahit pa sentensyadong kriminal ang mga ito.

Tinukoy ang utos ng Konstitusyon na bigyan ng makataong trato at repormahin ang mga bilanggo para maging mabuting mamamayan.

Nakatadhana rin sa Universal Declaration of Humn Rights na niratiikahan ng bansa na dapat bigyan ng respeto at pagpapahalaga nag mga bilanggo at ibinabawal ang parusang malupit at nakakababa ng pagkatao. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?